Nanlibre na Panauhin

Nanlibre na Panauhin

Habang nagbabag ako sa aming CSS ay may isang Panauhing lalaki ang bumili lamang ng 3 ballpens na ang iniabot niyang bayad ay 1,000.00. Noong iaabot na ng aming CSS ang sukli ay bigla na lang tumalikod at lalabas na ng tindahan. Tinawag lang ulit namin siya dahil hindi pa niya nakukuha ang sukli at resibo. Sinabi niyang ipambayad na lang daw sa mga kasunod na nakapila sa kanya. Halos lahat naman ng nakapila ay puro estudyante. Nagpasalamat kami sa Panauhin kahit na palabas na siya ng tindahan at kumaway patalikod ang Panauhin. Takang-taka talaga kami pati ang mga nakapila. May Panauhin pa ang napa-wow dahil sa ginawa ng Panauhing lalaki. Kaya yung ibang nakapila ay nalibre ang kanilang pinamili. Kada transaction ay pinapaliwanag lang namin na may isang Panauhin ang nag-iwan ng sukli at sinabing ipambayad na sa mga nakapila. Sobrang nagagalak din ang mga Panauhin dahil good Samaritan daw ito. Nakakatuwa nga naman talaga at bihira ang ganitong pangyayari sa tindahan para tumulong sa kanyang kapwa Panauhin. Medyo kinilabutan pa ako sa senaryong ito. Nakaka-touch at sobrang na-inspire na makatulong sa ibang tao. Taos-puso ang aming pasasalamat kahit na maliit na halaga lang ito ay maraming Panauhin natin ang kanyang natulungan lalo na sa mga estudyante.